Hugot-Hugot Store

  • Scenario 1:
Customer: Pabili po ng ERASER. 
Sales Lady: Anong klaseng eraser po?
Customer: Yung kaya pong burahin yung feelings ko para sa kanya.


  • Scenario 2:







SB Planner will be like

Barista: Sir ano sa inyo?
CustomerMay planner ba kayo?
Barista: Aling planner ang gusto nyo?
Customer: Yung handang magplano kung paano kami tatagal at yung walang planong saktan ako at iwan sa ere.

  • Scenario 3:
Customer: Ate pabili po ng sabon.
Tindera: Anong sabon 'ne?
Customer: Yung iwas-sakit. Yung kaya akong protektahan.

  • Scenario 4:
Customer: Ate pabili po ng glue.
Tindera: Anong klasing pandikit?
Customer: Yung sobrang dikit, yung hindi ako kayang bitawan.

  • Scenario 5:
Customer: Ate pabili po ng Salonpas.
Tindera: Ilang salonpas?
Customer: Yung sapat po para tanggalin yung sakit na nararamdaman ko.

  • Scenario 6:
Customer: Ate pabili po ng Electric fan.
Tindera: Anong klase po?
Customer: Yung steady lang para hindi lumilingon sa iba. 

  • Scenario 7:
Customer: Pabili po ng marker.
Tindera: Yung permanent?
Customer: Opo, yung hindi nang iiwan.

  • Scenario 8:
Customer: Ate, meron po ba kayong Alarm Clock.
Tindera: Meron, anong klase ang gusto mo?
Customer: Yung malakas, yung kaya akong gisingin sa katotohanan.

  • Scenario 9:
Customer: Pabili po ng kape.
Tindera: Yung matapang?
Customer: Opo, yung kaya akong ipaglaban.